Abante Tonite Interactive

Mga senador kay Gadon: Hindi kami mag-i-inhibit

0 592

Binara ng mga senador ang panawagan ng abogadong si Larry Gadon na mag-inhibit ang mga ito sa kanilang partisipasyon sa debate at pagboto ng legislative measure para sa pagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN Corp.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, hindi naman siya stockholder ng network kaya’t walang dahilan para siya mag-inhibit sa panawagan ni Gadon.

“I am not financially interested in the business of ABC-CBN. I am not a stockholder. I am part of the Congresss that is mandated by the Constitution to grant franchises. I cannot shirk from my shown duty,” sagot ni Sotto sa hamon ni Gadon.

Maging si Senador Sonny Angara ay sinabing wala siyang interest sa ABS-CBN kaya’t hind papatusin ang hamon ni Gadon.

“Looking at our laws on the matter there is no need for me to inhibit because I do have a substantial interest in the company which the law and rules define as shares sufficient to elect a director,” sabi ni Angara.

“Neither I nor my wife is an officer of the company, she is a regular employee, this there is no conflict of interest as set forth in our laws,” dagdag nito.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na walang basehan ang panawagan ni Gadon na mag-inhibit sila deliberasyon at botohan ng franchise bill ng ABS-CBN.

“Absolutely no basis. We are political body. Inhibition is a personal decision of each senator. No one can impost it, not even the SC (Supreme Court),” sabi ni Drilon.

“We can only be disciplined, if there are ethical issues involved in our participation in the ABS-CBN franchise, by the Senate, and no one else. We are answerable only to the Senate and the people,” dagdag pa nito.

Nakatakdang magsagawa ang Senate public services committee ng pagdinig sa Martes, Mayo 19, sa Senate Bill 981, na naglalayong i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ng panibagong 25 taon.

Didinggin ng komite ang Senate Bill 1521 na naglalayong bigyan ng temporary franchise ang network hanggang Hunyo 2022.

Tonite – Wendys Inhouse Ad