Abante Tonite Interactive

Mga senador na bumara sa pederalismo, markado sa eleksyon

By
1,126

Namumuro ang banggaan ng mga kongresista at senador.

Ibinabala ni House committee on constitutional amendments at Leyte Rep. Vicente Veloso na tinatayang 100 kongresista ang nakahan­dang ikampanya na huwag iboto ang mga re-electionist na senador sa 2019 midterm elections na mananabla at hindi susuporta sa pederalismo na isinusulong ni Pangulong ­Rodrigo Duterte.

“Since ayaw mag-cooperate ng Senado, we will be really campaigning against these senators, who in effect are saying magi­ging mahirap at mas mahirap pa kayo sa mga naghihirap na regions sa buong Pilipinas,” sabi ni Veloso sa Ugnayan sa Batasan news forum kahapon.
“The bottom line here is this, gusto na­ming gumalaw (pero) hindi gumagalaw ang Senado,” dagdag ni ­Veloso.

Ang pahayag ni Veloso ay sa gitna ng direktiba ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na makipag-ugnayan sa mga senador patungkol sa isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas o Charter change (Cha-cha).

Ayon pa kay Veloso, maraming nagsasabing kongresista na inililista na nila ang mga senador na hindi pabor sa pederalismo.

Sa kabila nito, tiniyak ni Veloso na pagsusumikapan ng Kamara na maaktuhan ang pede­ralismo kahit hindi nakasuporta nang todo ang Senado.