Abante Tonite Interactive

Mga senador pabor sa ECQ extension

766

Pabor ang ilang senador na palawigin pa ang enhanced community quarantine ng ilang pang linggo hanggang sa mapapaba ang bilang ng kaso ng novel coronavirus o COVID-19.

“It would be best to extend the ECQ so we can effectively isolate the positive cases from the rest of the community and eventually get rid of the disease,” pahayag ni Senador Bong Go.

“Habang patuloy na lumalabas ka ng bahay na hindi naman kinakailangan, patuloy mo namang inilalapit ang pamilya at kapwa mo tao sa peligro.

Kaya nakikiusap ako sa lahat ng Filipino–stay at home and follow the protocols. Ang kooperasyon ninyo at ang pagkakaisa ng bansa ang tanging panlaban natin sa COVID-19,” dagdag pa nito.

Kasabay nito, hinikayat ni Go ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na plantsahing mabuti ang pamamahagi ng good at cash assistance sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng COVID-19 crisis.

Pinilit natin silang manatili sa bahay kaya siguraduhin natin na makarating sa kanila sa lalong madaling panahon ang food and cash assistance mula sa gobyerno, “ sabi ni Go.

“Umaksyon na tayo agad at bilisan ang tulong para sa mga kababayan nating pinaka-mahirap at pinaka-nangangailangan,” sambit pa nito.

Pabor din Senador Francis Pangilinan na pahabain pa ng dalawang linggo ang community quarantine subalit kailangan aniyang linawing mabuti ito ng gobyernosa taumbayan.

“Kailangang malinaw na pinalawak (expanded) din ang testing at masinsinan (intensive) ang pagtatalaga o pagtatayo ng mga mass isolation centers para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19,” ani Pangilinan.

Dagdag nito, dapat din pabilisin ang pagpapalabas ng cash assistance at delivery ng relief goods sa daily wage earners na walang kinikita sa ngayon.

Kinatigan din ni Senador Win Gatchalian ang dalawang linggong pagpapalawig ng community quarantine para maging realiable aniya ang gagawing mass testing na magsisimula sa Abril 14.

“Without mass testing, we are totally blind. And when we are blind, the risk is higher of spreading the virus again, thereby wasting the 30-day Enhanced Community Quarantine,” paliwanag ni Gatchalian.

“Bagama’t may ilang araw na lamang ang natitira bago magwakas ang enhanced community quarantine, nakikita nating patuloy pa rin ang pag-akyat ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa bansa. Kaya dapat ipatupad pa rin ang social distancing habang mayroong mass testing,” punto pa nito. (Dindo Matining)

Tonite – Wendys Inhouse Ad