Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga senador sa DOH: Europe travel ban ipatupad

0 299

Hinimok ng ilang senador ang Department of Health (DOH) na magpatupad na ng pansamantalang ban sa mga biyahero mula Europe.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat hindi mag-procrastinate ang departamento at mapagpasya nang kumilos, “Recall that in February, DOH did not immediately ban travels from China, which directly caused the deadly local transmission of COVID-19.”

Sang-ayon din si Senador Joel Villanueva sa travel ban para sa mga manggagaling sa Europe, para hindi na aniya kumalat pa ang bagong COVID-19 strain sa bansa.

“We must do everything to ensure the safety and protection of our people,” ayon naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Una nang sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi kailangang maghigpit sa travel restriction dahil ang pinapapasok pa lang ng bansa ay mga diplomat, mga indibidwal na may negosyo sa bansa, at mga Pinoy citizen.

Inanunsiyo kamakailan ni British Prime Minister Boris Johnson ang lalo nilang paghihigpit matapos madiskubre ng mga siyentista ang mas nakahahawang coronavirus strain, na aniya’y maaaring hanggang 70 porsyentong mas nakahahawa kaysa sa naunang strain. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.