Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Senador suportado PSC budget

0 59

Buo ang suporta ng mga senador sa itinakdang 2022 budget allocation para sa Philippine Sports Commission at nanawagan ang mga ito na taasan pa dahil sa magkakasunod na mga paligsahan sa papasok na taon.

Nanguna si Sen. Joel Villanueva sa ginanap na Senate Committee on Finance hearing sa pagkilala sa naging responsibilidad ng PSC sa pagdiskubre ng mga bagong kampeon at bayani sports lalo’t kailangan ng bansa ang pag-asa at inspirasyon sa panahon ng pandemya.

Ilan sa mga sumuporta sa P1.574B PSC proposed budget sina Senate Committee on Sports chair Christopher Lawrence Go, Majority Leader Miguel Zubiri, Pilar Juliana Cayetano, at Francis Tolentino.

Ang mga nakatakdang salihan naman ng ‘Pinas ay ang Southeast Asian Games sa Vietnam, Asian Games, Winter Olympic Games at Asian Youth Games sa China, Asian Indoor and Martial Arts Games sa Thailand, at iba pa. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.