Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga senior karamihan natodas sa virus

0 40

Nasa 80-90% ng mga namatay sa COVID-19 sa bansa ay mga senior citizen.

Inihayag ito ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa kanyang pagdalo sa paglulunsad ng booster vaccination para sa mga senior citizen na ginanap sa Batangas.

Kasabay nito, hinikayat ni Duque ang mga senior citizen na magpabakuna kontra COVID para maiwasan na mahawa na maaring maging sanhi ng kanilang kamatayan.

Kung kaya’t prayoridad aniya ng pamahalaan na maturukan ng bakuna ang mga matatanda.

“We will prioritize our senior citizens, pinakamabilis silang tamaan ng COVID-19. Sila ang pinanggalingan ng pinakamataas na porsiyento ng hospitalization for severe talagang nakakalungkot 80-90% pumapanaw ay galing sa senior citizens,” ayon kay Duque. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.