Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga senior kasado na sa second booster

0 107

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang rollout ngikalawang COVID-19 booster shot para sa senior citizens, immunocompromised individuals, at frontline healthcare workers.

Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na natanggap naang ammended vaccine emergency use authorization mula sa FDA.

Ang karagdagang turok ay ibibigay apat na buwan matapos ang unangbooster.

“For moderately and severely immunocompromised patients, the 2nd booster could be given earlier subject to the attending physician’s assessment. The FDA thus recognized waning immunity in the specific populations,” ayon sa ahensiya.

Nabatid na isinasaayos na ng National Vaccination Operations Center angmga guidelines para sa pagbibigay ng second booster shot.

Noon pang nakalipas na buwan nag-apply ang DOH para sa amended EUA na magbibigay ng go signal para sa ikaapat na turok. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.