Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga senior puntirya ng ‘love scam’ – NBI

0 40

Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga senior citizen laban sa talamak na “love scam” kung saan nasa P1 mil­yong hanggang P17 milyon na ang nadenggoy nito.

Sa isang ulat, sinabi ni NBI Cybercrime Chief Victor Lorenzo na tumaas nang 100% ang ini-report sa kanila na mga kaso ng cybercrime dahil mas natutok ang publiko online dulot ng pandemyang COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Kadalasan aniyang dayuhan ang mga suspek at target ay mga retiradong lolo at lola.

“Ang basic rule lang naman diyan, when it’s too good to be true, it is not true. Hindi natin sinasabi that all those people who want to be friendly online are scammers. Exert effort to validate,” payo ni Lorenzo. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.