Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga senior puwede choosy sa booster shot – DOH

0 47

Payag ang Department of Health (DOH) na maging choosy sa booster shot laban sa COVID-19 ang mga senior citizen at mga indibiduwal na immunocompromised o may karamdaman.

Subalit sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa inilalabas ang mga panuntunan para sa pagsasagawa ng booster shot sa mga senior citizen at iba pang may sakit.

“Ito pong sa ating senior citizens and saka sa immunocompromised, tinitignan ho natin kasi if medically-indicated [ang conditions nila]. Kailangan po ‘pag immunocompromised, it’s going to be called a third dose, although pareho po nating ibibigay iyong choice ng homologous or heterologous para sa kanila,” pahayag ni Vergeire sa Laging Handa public briefing.

Ang homologous shot ay tumutukoy sa parehas na COVID-19 vaccine sa unang brand ng bakuna na itinurok sa isang indibiduwal. Habang ang heterologous shots ay ang pagbakuna ng ibang brand sa una nilang tinanggap.

Ayon kay Vergeire, nasa final stage na sila ng binubuong guideline para sa booster shot ng mga senior citizen at immunocompromised na indibiduwal. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.