Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga senior sunod na tuturukan – Palasyo

0 81

Isusunod na sa vaccination rollout ng gobyerno laban sa COVID-19 ang mga senior citizen pagkatapos ng mga health worker.

Kasabay nito, tiniyak ng Malacañang na hindi mapuputol ang inilargang pagbakuna kontra COVID-19 kahit na 600,000 lamang ang unang ginamit sa mga nasa priority list.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may inaasahan pang isang milyong CoronaVac na darating sa bansa mula sa Sinovac kaya aasahang magtutuloy-tuloy ang rollout ng vaccination program.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang unang ginamit aniya ay ang donasyon ng China pero susunod na ang mga bibilhin ng gobyerno sa Sinovac Biochem.

Sinabi ni Roque na kampante ang gobyerno na magtutuloy ang vaccine rollout para mabilis na matapos ang pagbakuna sa 3.4 milyong medical health workers.

Matapos mabakunahan lahat ng medical worker ay target na isunod ng gobyerno sa vaccination program ang mga senior citizen.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.