Abante Tonite Interactive

Mga senior unahin sa mass testing now na!-Lacson

577

Ang pagsasagawa ng mass testing ang pinakamainam na solusyon para maagapan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Pero nilinaw nitong hindi nangangahulugan na lahat ng 107 milyong mga Pilipino ay sasailalim agad sa mass testing.

Aniya, mas mabuting unahing suriin ang mga matatanda, partikular ang mga may edad 60-anyos pataas dahil sila aniya ang bulnebrable sa nasabing sakit.

Kasama na rin sa data unahin ay ang mga na-expose sa taong may Covid-19 at iyong may mga sintomas nito.

“When we say mass testing, we do not refer to all the 100-plus million Filipinos. It’s only the most vulnerable: those over 60 years old, which constitutes not even 10 percent of the entire population,” sabi ni Lacson.

“Those who are exposed; and those with symptoms. The rapid test kits can still be useful according to its specificity,” dagdag nito.

Sabi ni Lacson, nasabi lang aniya ni Health Secretary Francisco Duque na hindi pa uubra ang mass testing sa ngayon dahil sa kakulangan ng suplay ng testing kit sa bansa

“Thus, DOH Sec. Francisco Duque III may not be very responsive when he says mass testing is not possible because there are not enough testing kits,” ani Lacson.

Sa kanyang pagtatanong sa ilang kabigan niyang doktor, sinabi ni Lacson na mas ‘ideal’ umanong suriiin ang mga taong symptomatic at iyong mga high-risk.

“Besides, I asked doctors who are knowledgeable about antibodies and viruses and all the other technical terms in the medical field. Their opinions mostly differ from those of the Secretary of Health,” ani Lacson.

“Testing of all symptomatics and those who are high-risk is ideal. This is where the rapid test kits come in. The rapid test kit will identify the positives early so that they can be isolated to prevent infection spread,” dagdag pa nito.

Pangamba pa ni Lacson, kung hindi aniya papalitan ng DOH ang kanilang pamamaraan sa paghawak sa krisis posibleng lumobo pa ng todo ang bilang ng COVID-19 patients sa bansa.

“If the DOH does not change its way of handling the crisis, I hate to say, we may be overrun by COVID19 faster than we can imagine,” ayon kay Lacson

Tonite – Wendys Inhouse Ad