Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga senior ‘wag isubo sa Sinovac – Hontiveros

0 338

Kinastigo ni Senadora Risa Hontiveros ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) hinggil sa panukalang gamitin sa mga senior citizen ang Sinovac vaccine.

“Giving Sinovac to our senior citizens is intentional malpractice. Nakakagalit ang ganitong pagpupumilit ng National Taskforce against COVID-19 (NTF),” pahayag ni Hontiveros.

Kaugnay ito sa sinabi ni NTF chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. na plano nilang gamitin ang Sinovac vaccine sa mahigit 9 milyong senior citizen sa bansa.

Subalit giit ni Hontiveros, nauna na umanong sinabi ng Food And Drug Administration (FDA) na hindi magandang gamitin ang naturang bakuna para sa mga matatanda.

Sabi pa ng mambabatas, ang pagkaantala sa delivery ng bakuna sa Pilipinas ay dahil sa isyu ng indemnification fund at hindi dapat gamiting excuse para gamitin ang Sinovac sa matatanda.

“Huwag nilang isangkalan ang ating mga nakatatanda para masabi lang na nabigyan na ang mga senior citizens ng bakuna,” ayon kay Hontiveros.

“Our officials seem at peace with “pwede na” at “basta nagawa” (this will do) which is why one year later, we’re the only country in the whole Southeast Asia that has an upsurge in cases.”

“We will take even more steps backward if we force the most vulnerable sector in the pandemic to take a vaccine that is not recommended for them. Let’s start walking in the right direction before things get worse,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.