Abante Tonite Interactive

Mga shipping firm kokontrolin sa sobrang singil

93

Makikipag-ugnayan ang Mababang ­Kapulungan ng Kongreso sa Department of Trade and ­Industry (DTI) upang mapabilis ang pagpasa ng panukalang batas para ma-regulate ang mga shipping line na magiging daan para bumaba ang presyo ng mga bilihin.

Ito’y matapos umanong mapansin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang mga shipping fee na itinakda ng mga international shipping lines ay sobrang taas na nagresulta sa pagtaas ng mga imported raw material at iba pang kalakal.

“Local producers who import raw materials are forced to pay these exorbitant shipping fess, which jack up their production costs, and, in the process, result in higher prices for domestic consumers,” ayon kay Cayetano.

“Ang pinoprotektahan natin dito in the end ay ang ating mga consumer. This will also help the government improve its tax collection ­capabilities,” sabi pa ng mambabatas.

Dahil rito, tututukan ng Kamara sa pakikipag-ugnayan sa DTI upang plantsahin ang panukalang may kinalaman sa pagpapatupad ng regulasyon sa mga shipping fee. (Eralyn Prado)