Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga sikat kunin para mangumbinsi sa bakuna – MMDA

0 212

Minungkahi ni Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr. sa pamahalaan nitong Miyerkoles ang pagkuha sa serbisyo ng mga maimplu­wensiyang tao para maeng­ganyo ang publiko na mag­pabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Abalos, maaaring kunin ang mga media in­fluencer at mga sikat na atleta para magsilbing inspirasyon sa publiko na magpaturok.

“We need media in­fluencers to explain these things. I’ll raise this up, the PBA players the national ath­letes could really help here.”

Bukod kay Abalos, ni­rekomenda ng ilang senador ang pagsasama nina Pangu­long Rodrigo Duterte at Bise Presidente Leni Robredo sa isang informercial tungkol sa bakuna. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.