Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga sikat na player ibida sa COVID infomercial

0 183

Hindi sang-ayon si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III sa mungkahing isama na rin ang mga lider ng Kongreso sa infomercial para mahikayat ang mga tao na magpabakuna kontra COVID-19.

Para sa senador, mas makabubuti kung mga karaniwang tao at mga sikat na player sa bansa ang pagsasalitain sa COVID-19 infomercial para mahimok ang mga Pinoy na magpabakuna.

SM food to go Banner Ad

“Pangit na suggestion `yon. Bakit gagamitin mo ang mga politiko? Gumamit ka ng karaniwang tao. Gumamit ka ng mga kilalang tao na nirerespeto, lalo na `yong hindi konektado sa politika, `yon ang gamitin mo,” sabi ni Sotto.

Hindi aniya tatalab ang infomercial kapag politiko ang ginamit dito.

“Gumamit ka ng sikat na basketball player, softball player, volleyball player, gumamit ka ng ganoon, na hindi politiko as much as possible,” ani Sotto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.