Abante Tonite Interactive

Mga sikreto para laging mainit sa sex ang mag-dyowa 

By
0 345

Hindi na kaila sa atin na pagkatapos ng mahabang pagsasama ng mag-asawa ay dumarating sa puntong nagkakatabangan na paminsan-minsan ang mga ito sa kama. Minsan ay nagi­ging simula ito ng pagpasok ng problema gaya ng paghahanap sa iba na pinagmumulan na ng away at kawalan na rin ng tiwala.
Batay sa ulat ng “Couple Skills: Making Your Relationship Work” at sa pagbabahagi ng ilang licensed psychotherapist at health psychologist and licensed sex therapist para tumagal ang mag-asawa ay gawing exciting pa rin an pagsasama ng mag-asawa lalo na sa kama.
Ilan sa mga dapat nilang gawin ay ang mga sumusunod:
I-try ang quicky
Kahit sobrang busy ay subukan pa ring maging exciting ang sex life.
Bigyan ng oral sex si mister bago siya pumasok sa trabaho, mag-grocery o kahit makipag-inuman.  Puwede ring habang naliligo siya’y i-try siyang hiritan ng ‘isa pa’ o kung hindi man ay tawagan siya o i-text, magpasaring ng foreplay para sa inyong pagkikita ay mainit na at exci­ted ang isa’t isa.
Role-play
Ibahin minsan ang karakter. Hindi lang dapat misis o mister ang gawing­ papel kundi magpanggap minsang isang nurse si misis, at pasyente si mister, o kaya ay stripper at customer, artista at fan.
Imbes na sa laging kama ay subukan ding magtalik sa kusina, garahe o sa iba­baw ng lamesa at ihatag ang sarili na mistulang pagkain.
Flashback memory
Gawing inspirasyon ang nakaraan, ika nga. Para ito sa mga mag-asawang sobrang tagal nang nagsasama. Isipin kung ano nga ba ang nagustuhan ninyo sa isa’t isa noong una, lalo na pagdating sa sex. Ang iba ay nagkukunwaring first date nila ulit, at unang beses na nag-sex.
Make-up sex
Mahirap man itong gawin ay subukan pa ring magtalik pagkatapos ng away. Marami ang naniniwala na pagkatapos ng mainit na away ay naglalagablab ding pagniniig ang kasunod kapag sila’y nagbati. Para ito sa mga overly passionate na mag-asawa, na na-eexcite pagkatapos makapaglabas ng galit at sama ng loob. Huwag nang maghintayan. Kapag naramdaman mong kalmado na ang kabiyak, iwagayway na ang puting bandila at makipagbati.
 Weekend sex
Kung pareho kayo ng day off, lalo na at Sabado at Linggo ito, pagkatapos ng isang nakakapagod at nakaka-stress na linggo sa trabaho—weekend sex lang ang katapat. Iwan muna ang lahat ng negatibong naramdaman at magpakalango sa piling ni mister o ni misis. Mag-breakfast in bed, at maglambingan hanggang tanghali, o hapon pa kung pwede.
Magbalik-romantiko
Hindi porke’t mag-asawa na’y hindi na puwedeng mag-date dahil kailangan pa rin ang `spice.’ Subukan o pag-ipunan ang candlelight dinner, bulaklak, mag-check in sa hotel o motel at todong pagbibihis din ng mag-asawa na taliwas sa karaniwang gayak sa araw araw.
Be creative o malikhain
Maraming bagay na makakapagpa-igting ng sensations ng isang lalaki at isang babae. Kumbaga’y ibahin din ang putahe at mag-isip ng bagong iluluto o recipe para sa kabiyak para hindi ito maumay.
Relax, exercise
Ang pinakaimportanteng sikreto ay wala sa pagtatalik mismo, kundi sa pagwawaksi ng stressors sa isip, at pagpapa­natiling malusog at maaayos ang pisikal na aspeto ng isang tao.
Magpamasahe, uminom ng wine at makinig sa nakaka-relax na tugtog, mag-shower o magbabad sa bath tub, at mag-ehersisyo, tumakbo o mag-gym nang magkasama.