Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga sinehan nakiusap payagan nang mabgukas

0 67

Kabilang ang mga sinehan sa bansa sa mga industriyang nakaranas ng matinding hagupit sa pagkalat ng COVID-19 matapos maitala na na­lugi ito nang mahigit P21 bilyon dahil sa pagsasara ng mga sinehan noong Marso ng nakaraang taon dahil sa pandemya.

Sakaling payagan na ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa susunod na mga araw para unti-unting makabawi ang mga ito sa pagkalugi, sinabi ni Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) president Charmaine Bauzon na may nakalatag na silang mga panukala para matiyak na hindi malalabag ang mga ipinatutupad na health protocol ng gobyerno.

Kabilang sa kanilang mungkahi ang “one-seat apart” rule o pagbabawal sa pagtatabi ng mga manonood at pagbabawal sa pagkain sa loob ng sinehan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mataas din aniya ang kisame ng mga sinehan kaya hindi ito pagmumulan ng COVID-19 superspreader event dahil sa maayos na bentilasyon.

Sinabi ni Bauzon na mahigit 300,000 manggagawa, kabilang ang mga cinema employee, artista, at production staff, ang nawalan ng trabaho dahil sa pan­demya. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.