Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga sintomas ng high blood

0 62

Ang hypertension o high blood pressure ay isang sintomas na maaaring kaakibat ang mga problema na nanggagaling sa kidneys, puso, ugat, diabetes, hormones, problema sa paghinga, pagtulog, Impeksyon, mga kundisyon na naaapektuhan ang iba’t ibang parte ng katawan na nananakit, mula sa balat, kasukasuan, at mga organo. O kung minsan naman ay dahil sa emosyon maaaring tumaas ang blood pressure. Kung magalit, maiyak, matawa, kabahan, o sa idlip ng pagpalit ng mararamdaman ay maaapektuhan din ito. Ang tanong sa atin ay agad bang may hypertension sa oras na nakita ito. Kailangan na bang gamutin ito? Pang habangbuhay na ba ang gamutan?

Para malaman kung may hypertension, ang reading sa BP apparatus ay mahigit sa mga sumusunod. Ang normal ay 120 over 80. Sinasabi na may stage 1 hypertension ang 130 – 139 over 80 – 89 at stage 2 pag higit pa dito, lalo na kung may iba pang mga karamdaman o co-morbidities. Maaaring may sintomas na makita ang hypertension. Kasama dito ang panlalabo ng mga mata, panliliyo o paghilo at pagsusuka, sakit ng ulo, pagkapagod, pagkabog ng dibdib, pagdugo ng ilong, at paghapo sa paghinga. Kung minsan, wala din naman nararamdaman. Ito ang mas nakakabahala dahil baka bigla na lang magkaroon ng kumplikasyon.
Ang pagtaas ng presyon ay senyales lamang, ang mas nakakabahala ay kung ano ang kalidad ng ugat kung saan dumadaloy ang dugo. Maaari itong pumutok at magkaroon ng mas malalang problema. Paano na lang kung nasa puso, baga, o utak ang ugat na maapektuhan. Pwedeng ikamatay ito.

Mayroon mag pwedeng gawin para makasiguro ng pananatili ng normal na blood pressure. 1. Huwag kumain ng masyadong maalat na pagkain, 2. Iwasan ang pag-inom ng alak, 3. Magkikikilos at mag-ehersisyo, 4. Huwag manigarilyo, 5. Iwasan ang stress, 6. Kung bumibigat ang timbang o nagiging obese ay huwag itago, dahil ang pinakamahalaga, 7. Kumunsulta sa inyong doktor.

Hindi naman agad agaran na hypertensive dahil sa nakitaan lang ng minsan nang pagtaas ng bp, minomonitor ito. Kung sakaling minsanan lang talaga ay inoobserbahan lamang ito. Ngunit kung madalas ang talagang pagtaas, ginagawan ng pagbabago sa lifestyle. Kung kinakailangan, binibigyan na ng gamot. Madalas pangmatagalan ang inuman nito, kaya tinawag na maintenance medication. Huwag basta basta itigil ang paginom. May posibilidad naman din ito na ihinto kung maganda ang mga resulta at walang mga sintomas. Ngunit malalaman lamang ito sa regular na check-up o follow up.

Huwag nang magpaligoyligoy pa. kung nakitaan minsan na tumaas ang BP, magpatingin na.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe! Be vaccinated and boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.