Abante Tonite Interactive

Mga SM employee buo ang suweldo kahit lockdown

0 361

Nangako ang SM Supermalls na patuloy na makakatanggap ng buong sahod ang lahat ng empleyado nito habang umiiral ang mga quarantine measure.

Ayon kay SM Supermalls senior vice president for operations Bien Mateo, sa ngayon ay kalahati lang ng mga empleyado nila ang pinapapasok sa trabaho para na rin makasunod sa ipinatutupad na physical distancing.

Ang natitirang kalahati ay nasa work-from-home basis naman.

“Kahit ganyan naman ‘yung ating sitwasyon ay nangako naman ang SM Supermalls na patuloy nilang matatanggap ang buo nilang mga suweldo,” sabi ni Mateo sa Laging Handa public briefing. (IS)

Tonite – Wendys Inhouse Ad