Abante Tonite Interactive

Mga sneaker na pirmado ni Bryant ipapa-auction

402

Ipapa-auction ng Spanish Basetball League sa ebay ang sneakers na pirmado ni Los Angeles Lakers legend Kobe Bryant.

Lahat ng malilikom ay ibibigay para sa coronavirus disease 2019 relief.

Kulay white at gray ang soles ng kicks.

“The Spanish League is auctioning sneakers autographed by the late Kobe Bryant (still doesn’t feel real). All money goes to the fight against coronavirus,” tweet ng HoopsHype.

Noong nakaraang linggo ay kinumpirma na iluluklok na si Kobe sa NBA Hall of Fame, kasabay sa 2020 class sina Tim Duncan at Kevin Garnett.

Namatay si Kobe, kasama ang 13-anyos na anak na si Gianna at pitong iba pa, sa helicopter crash sa Calabasas, California noong Jan. 26.

Buong 20-year career ni Bryant ay sa Lakers. Naka-limang championship rings siya suot ang Purple and Gold.

Nag-retire si Kobe noong 2016, at noong nakaraang season ay ni-retire din ng Lakers ang kanyang No. 8 at No. 24 jerseys. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad