Abante Tonite Interactive

Mga solon na malapit kay PRRD, humakot ng pork barrel

By
1,815

Ibinulgar ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na may mga kongresistang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang humataw pa rin sa pork barrel sa kabila ng pagbabawal na nito.

“Pinipilit kong me­ron kasi maliwanag meron talagang pork,” diin ni Lacson.

Ito ay sa pamamagitan aniya ng pagpapasok ng mga proyekto sa panahon ng budget deliberations partikular sa period of amendments.

Abante Hiring – IT dep

“Ngayon ginagawa pinapasok nila ang proyektong gusto nila during budget delibe­rations especially sa period of amendments, pero may halaga rin. Bawat senador P300M, bawat congressman I think P100M, tumaas pa,” paliwanag ni Lacson.

“Pero may kongresista at senador humahataw hanggang bil­yon. Meron akong alam na congressmen na talagang malapit noon sa administration ng PRRD humahataw ng P6-5B. Tapos kaya ba nila implement ang proyekto na ‘yan?” tanong pa ng senador.

Gayunman, bigo ani­ya ang mga ito na ipatupad ang proyekto.

“Ako na sasagot, meron isa o dala­wang kongresista ang laki ng kanilang pinasok na pork. Halos wala pang 1/5 ang na-implement,” saad pa nito.

Ito aniya ang dahilan kaya’t may mga kongresistang ayaw ng cash-based budgeting dahil isang taon lang ang implementasyon.

“I can just speculate, I can just assume though ‘di ko alam ang kalakaran. Halimbawa ako contractor at cash-based ang babayaran lang sa akin ang matatapos ko hanggang Dec. 30 or 31, 2019 tapos may extension 3 buwan. Bakit ko ibibigay ang buong commission kung ang babayaran sa akin ang matatapos sa 1 taon?” giit ng mamba­batas.