Abante Tonite Interactive

Mga sports personality inis sa resulta ng Pacquiao vs Thurman

795

Kahit na panalo si Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao kontra kay Keith Thurman Jr. para mapanatili ang World Bo-xing Association world welterweight title at madale pa ang WBA super welterweight crown, ‘di pa rin nakatakas sa kontrobersiya ang naging resulta ng bakbakan.

Sa mga mata ng local at international sports fan, tingin ng karamihan ay ‘di dapat naging split decision ang resulta ng sapakan dahil klaro anilang dinomina ng ‘Pambansang Kamao’ ang dating undefeated American boxer.

Ayon kay NBA analyst Stephen Smith, wala dapat pumanig na re-feree kay Thurman, na binigyan ni Glen Feldman ng 114-113 score card.

“Should not have even been a split decision. @MannyPacquiao outclassed him most of the fight, period. Wasn’t even close. At least the final decision was the right now. But if Pacman knows what’s good for him, he’ll stay away from @terencecrawford and @ErrolSpenceJr. I know THAT!” ani Smith.

Sey naman ng dating Gilas Pilipinas coach na si Vincent ‘Chot’ Reyes, dapat ay ma-ban si Feldman sa judging ng laban.

“How in the world was that a split decision? Sickening! That judge who scored for Thurman should be banned,” giit ni Reyes. (RMP)