Abante Tonite Interactive

Mga stalker ipapupulis ni Kai

272

Ang tawag sa mga fan na sobrang obsessed sa South Korean idols ay “sasaeng”.

Ang kahulugan nga nito ay “crazy fans”. ‘Yung tipong sa sobrang paghanga, talagang nag-i-stalk na sa mga iniidolo nila.

Hindi naman nakakapagtaka na may mga ganitong klase ng tagahanga ang EXO at Super M member na si Kai.

Bago matulog noong December 8, nag-live si Kai sa kanyang Instagram account para ipakita ang bagong kulay na buhok which is this time, black naman.

Sabi ni Kai, “To be honest, I’m really sleepy,” pag-amin niya sa mga fan.

Pero gusto lang daw talaga niyang mai-share agad ang new dye black hair niya.

‘Yun nga lang, ilang minuto habang naka-live broadcast ito, kitang-kita raw ang pagbabago ng expression ng idol. At saka nito sinabi sa live broadcast pa rin niya na may mga sasaeng fan daw sa labas ng dorm niya.

Ayon kay Kai, “Also, this is unrelated, but it seems like there are sasaengs outside the dorm.”

At saka ito nagbigay ng warning na ipapapulis ang mga tagahanga sakali at hindi talaga umalis sa labas ng dorm o bahay niya. Aniya, “I’ll call the police. Leave quickly.”