Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga suki inaalok sa Facebook, Telegram: Bugaw timbog sa sex video for sale

0 60

Di na nakapalag pa sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ang isang lalaking sangkot sa online bentahan ng pornographic materials sa Cebu City.

Agad na pinosasan ang suspek na si Romulo Romero, ng Bulacao, Cebu City sa entrapment operation ng operatiba ng NBI-AHTRAD sa lugar.

Ang operasyon ay ikinasa base sa kautusan ng Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking – Cyber-TIP Monitoring Center (DOJ IACAT-NBI CYBERTIP) kaugnay sa reklamo na isang indibidwal ang nasa likod ng Twitter account @MarkjasonCj, na gumagamit din ng ibang other social media platforms gaya ng Telegram at Facebook para i-promote at ibenta ang sarili niyang gawang video na nagpapakita ng pakikipagtalik niya sa mga kabataang lalaki.

Agad na nagsagawa ng cyber surveillance ang mga tauhan ng NBI-AHTRAD at DOJ-IACAT NBI-CYBERTIP at nang makumpirma na si Romero ang gumagamit ng Twitter account @MarkjasonCj ay inaresto ito.

Nag-aalok rin si Romero ng mga kabataang lalaki para sa mga gustong magbayad na customer sa Cebu City at cybersex.

Armado ng search warrant, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu Cebu RTC Branch 11, ay sinugod at inaresto ang suspek sa Sitio Cabancalan II, Bulacao, noong Hulyo 29.

Inaresto ito sa aktong nag-aalok ng pakikipagtalik kapalit ang pera.

Sa isinagawang operasyon, isang lalaki ang nailigtas at inilipat sa kustodiya ng DSWD Region VII. (Juliet de Loza-Cudia/Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.