Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga sundalo nagpaturok ng China bakuna

0 153

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami nang sundalo ang nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Sinopharm, isang pharmaceutical company na pag-aari ng China.

Sinabi ito ng Pangulo sa ipinatawag na pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kasama ang ilang health expert kung saan pinag-usapan ang bagong COVID-19 strain.

“Sabihin ko sa iyo, marami na ang nagpa-injection dito sa Sinopharm. At huwag kang tumingin sa akin kay hindi kita kilala,” wika ng Pangulo.

“Halos lahat ng sundalo natusukan na,” aniya pa.

Tugon naman ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Rolando Enrique Domingo, “Wala nga po kaming mahuli. Naka-tatlong raid na po kami sa Makati at Binondo pero wala naman po kaming nahuli pa.”

Matatandaang naging isyu ang pagkakaroon na umano ng COVID bakuna sa Pilipinas. Ito’y sa kabila ng pahayag ng Department of Health (DOH) at ng FDA na wala pa silang inaaprubahang bakuna kontra COVID sa bansa.

“I have to be frank and I have to tell the truth. I will not foist a lie. Marami nang nagpatusok and lahat. Up to now, wala akong narinig sa — for the select few — not all soldiers, not all soldiers, hindi pa kasi policy eh.

Matatandaang kabilang ang mga sundalo at pulis sa nais ng Pangulo na unahing maturukan ng COVID-19 bakuna dahil mahalaga aniya ang mga ito sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa.

“If it’s a policy now to have them injected with… Pero gusto ko mauna sila because I do not want a sickly Armed Forces and a sickly police. The reason why is that they have to be in good health all the time because they are responsible for the law and order of this country,” sabi ng Pangulo.

Inihayag ni Pangulong Duterte na pasado naman sa pagsusuri ng China ang bakuna ng Sinopharm. Hindi rin naman anya papayagang iturok ang bakunang gawa nito sa kanilang mamamayan kung delikado sa kalusugan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.