Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga supplier naniningil: Gobyerno may P387M utang sa SEA Games

0 200

May utang ang gobyerno na P387M sa iba’t ibang supplier sa pagdaos ng 30th Southeast Asian Games sa bansa noong Nobyembre 30-Disyembre 11, 2019.

Ito ang nabunyag sa pagdinig sa Senado sa panukalang 2021 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusement Board (GAB) nitong Martes.

Ayon kay PSC Executive Director Guillermo Iroy J., nakakatanggap aniya sila ng demand letter mula sa mga supplier na humihiling na bayaran na ang utang na nagkakahalaga ng P387M.

Hiniling na aniya ng PSC ang nasabing halaga sa Department of Budget and Management (DBM) para mabayaran ang mga supplier.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“In fact there are many too many demand letters we received. In fact some senators have also received letters from suppliers. We expect that this P387M will soon be released by the DBM,” pahayag ni Atty. Iroy.

Sa oras na mailabas na ng DBM ang nasabing halaga, hinirit ng abogado na kanila agad itong ibibigay sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), nang mabayaran na ang mga utang sa mga supplier.

Nauna nang sinabi ng organizing committee na P7.5B ang ang nagging gagastusin sa pagho-host ng SEA Games, pero P5B lang ang inaprubahan sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act.

Pinanapos na sinabi ni Iroy, na nagdagdag ang Office of the President ng P1B para sa event kaya’t umabot sa P6B ang pondo para sa 11-nation, biennial sportsfest. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.