Abante Tonite Interactive

Mga supporter pinaghintay ng 2 oras ng senatoriable

314

Halos layasan na raw ng ilang tagasuporta at maging ng mga kagawad ng media ang isang senatorial bet dahil sa matinding pagka-late nito sa sarili niyang event.

Ang kwento ng ating Amuyong, maaga raw na kinalampag ng organizer ng event ang mga tagasuporta at maging ang media para matiyak na may taong sasalubong sa kandidato.

Maaga pa raw sa call time ay nakapwesto na ang mga tao upang abangan ang sikat namang senatoriable.

Gayunman, marami ang nadismaya dahil not one, not two but 2 1/2 hours na super late ang ating bida sa kanyang event.

Ang sabi pa ng ating Amuyong feeling daw siguro ng kandidatong ito ay siya pa rin ang li­der ng isang organisasyon na boss at hihintayin palagi ng kanyang mga tauhan.

Clue: Ang ating bida ay mayroong R sa kanyang pangalan as in Rock n roll. (Dang Samson-Garcia)