Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Surigao IP lider Surigao umapela sa Makabayan bloc

0 79

Inihayag ng mga lider ng mga tribu o Indigenous People (IP) ng Surigao ang kanilang labis na pagkamuhi sa mga ipinakakalat” ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso hinggil sa huling insidente ng pagkakapatay sa tatlo nilang katribu na pinilit na isinali bilang mandirigma ng komunistang-teroristang New People’s Army.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes (June 21, 2021) pinangunahan ni Datu Constancio Duhac, ang lider ng IP sa Lianga, Surigao del Sur ang paghayag na pawang mga kasinungalingan lamang ang ikinakalat ng Makabayan Bloc at mga kaalyado nitong organisasyon gaya ng Save Our School (SOS) Network hinggil sa pangyayari at nakikiusap ito na irespeto ang kanilang tribu at ang sarili nitong pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente na nakapaloob sa Republic Act 8371 o ang Indigenous People’s Rights Act (IPRA) ngn1997.

“Dapat na irespeto naman ang Tribal Council ng Lianga. Hindi kami dapat maipit dito,”‘ang sabi ni Datu Duhac na pinatutukuyan ang pangingi-alam ng Makabayan Bloc at ng Sos Network sa pangyayari, gayong ang mga biktima ay sapilitang dinukot at pilit na ginawang mga mandirigma ng NPA kaya napaslang sa engkuwentro sa mga militar noong June 15, 2021 sa Barangay Datagan sa Lianga.

Pinabulaanan ni Duhac ang mga ulat na ang mga labi ng mga napaslang ay binaboy pa ng militar, sapagkat habang inamin ng mga militar na sila ang nakabaril sa mga biktima, “iginalang ng mga ito ang mga bangkay at ibinalik pa sa kani-kanilang pamilya at inako ang lahat”, ng mga kailangan sa kanilang paglilibing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Datu Alexander Bucales, na siyang pumalit sa nakakatanda nitong kapatid na si Datu Jamar dahil pinaslang din ito ng mga NPA sa pagtutol nito sa mga gusto ng mga komunistang-terorista ang nanawagan din sa mga nagpapakalat ng maling balita sa pangyayari.

“Mayroon kaming sariling imbestigadyon ayon sa aming mga tradisyon at mga nakagawian – ang Surigao Province Tribal Council. Respetuhin niyo naman ang aming mga customary laws. Hindi kami mga appointed na Datu ng CPP-NPA,” ang paliwanag ni Datu Bucales.

Dagdag pa niya, “tinatawagan namin lalo na ang Save Our School Network, si Chad Booc, na itigil na ang mis-information. Kami ang namatayan.”

“Persona non grata na dito si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat dahil sa dami na ng mga pinatay dito. Last month may lima sa aming mga kasama ang dinukot, hanggang ngayon ay di pa namin nakikita. Makakapagbigay kami ng figures kung ilan ang kanilang pinatay.Kaya isinara ang mga school na yan, kuta sila ng CPP-NPA,” ang paliwanag pa ni Buscales.

Leave A Reply

Your email address will not be published.