Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga suspek sa Dacera `rape-slay’ pinalaya

0 89

Pinalaya ng Makati City Prosecutor’s Office ang tatlong unang inaresto sa Christine Dacera slay case matapos ang isinagawang ebalwasyon sa mga ebidensiyang iprinisinta sa inquest proceeding Miyerkoles ng hapon.

Inihayag ng piskal na “for further investigation” ang kaso at inutos

Niresolba ng Makati City Prosecutor office ang kaso `for further investigation’ at inutos sa Makati Police na palayain ang kinasuhang sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido y Daluro at John Paul Halili y Reyes.

Kasabay nito, itinakda ng prosecutor ang preliminary investigation (PI) sa kaso sa Enero 13, 2021 ganap na alas-10:00 ng umaga.

Isinama rin sa preliminary investigation ang mga respondent na sina Gregorio Angelo Rafael De Guzman, Clark Rapinan, Valentine Rosales, Mark Anthony Rosales, Rey Ingles y Mabini, Louie De Lima, Jammyr Cunanan, at alyas Ed Madrid na patuloy na nakakalaya.

Aalamin sa isasagawang PI kung si Christine Angelica F. Dacera ay ni-rape at pinatay.

Sinas naniniwalang ni-rape si Christine

Paniwala naman ni Philippine National Police (PNP) Director General Debold Sinas, may rape na nangyari sa pagkamatay ng flight attendant na sa bathtub ng isang kuwarto sa City Garden Grand Hotel sa Makati City kung saan dito ginanap ang New Year party na dinaluhan ng dalaga.

“We have discussed with the investigators and the other senior officers. I think there is really rape. Look hindi ba `yong babae may bruises, may confirmed lacerations tapos may fluid sa private parts niya hindi ba but I will leave it to the investigators that really happened,” pahayag ni Sinas sa isang press conference sa San Juan City kahapon.

Dagdag pa ni Sinas, inaalam pa din ng pulisya kung sino-sino ang mga taong nakita sa CCTV camera na labas-masok sa hotel room ilang oras bago matagpuang patay si Dacera.

Ampaw ang ebidensya

SM food to go Banner Ad

Walang pinasang anumang ebidensya ang Makati City Police para suportahan ang akusasyong rape at homicide laban sa 11 suspek na ka-party ni Christine.

Sa tatlong pahinang resolusyon, inatasan ng piskal ang mga police officer na magsumite ng karagdagang ebidensiya. Kabilang na ang DNA analysis report, toxicology/chemical analysis, at ang histopath examination report.

“It bears stressing that the police officers have yet to submit the results of the DNA analysis, toxicology/ chemical analysis and histopath examination,” ayon sa resolusyon.

“No evidence medically or scientifically were presented to prove that the cause of death or the rupture of aeortic aneurysm was by the reason of the alleged rape,” dagdag pa rito.

Anak ni Claire, 10 pa dawit sa sabwatan

Nahaharap naman sa kasong pakikisabwatan umano ang 11-kataong ka-party ni Dacera kabilang ang anak ng beteranang singer na si Claire dela Fuente.

“The men who were with the victim regardless of gender preference were part of a conspiracy, especially if they did not do anything to stop a crime,” saad sa online news site Politiko ng isang imbestigador na tumangging magpatukoy.

Aniya, maging ang anak ni Dela Fuente na si Gregorio Angelo de Guzman ay damay sa kaso maliban kung tatayo itong state witness.

Nagparamdam na susuko

Bago pinalaya ang tatlong suspek, nabatid na may surrender filler nang natanggap ang PNP sa mga suspek, ayon kay Gen. Sinas ngunit hindi nito ibinunyag kung ilan ang nagpahayag ng kanilang pagsuko.

May mga ebidensya na rin umanong hawak ang pulisya sa kasong rape-slay subalit hindi muna ito ibinunyag ni Sinas dahil sa ngayon ay gumugulong pa ang imbestigasyon. (Nancy Carvajal/Edwin Balasa/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.