Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Taal evacuee inayudahan ng EPD

0 23

Nagpaabot ang pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ng tulong sa mga Taal Evacuee sa Talisay, Batan­gas nitong Martes ng hapon.

Ang naturang relief operations na tinawag na “Ser­bisyong Tama Caravan and BARANGAYanihan para sa Evacuess ng Taal” ay isinagawa ng EPD, sa ilalim ng pamumuno ni Director P/BGen. Matthew Baccay.

Nasa 300 pamilya ang nakinabang sa naturang aktibidad na sinuportahan ng EPD Advocacy Support Group kasama ang Foreign National Keepers Network, Force Multipliers, at stakeholders gaya ng Armscor Philippines at Pine Green Trading.

Ang mga ipinagkaloob na goods sa mga residente, na may kabuuang halaga na P275,000, ay kinabibilangan ng 500 “go bags” na naglalaman ng emergency/hygiene kits at canned goods, 15 sako ng bigas, 50 kahon ng yogurt para sa mga bata, gulay at mga root crops, at 10 kahon ng mga noodles.

Dumalo rin sa naturang relief operations ang mga grupo nina Pasig City Police chief P/Col. Roman Arugay, San Juan City Police ACOP P/Col. Elpidio Ramirez, at P/Maj. Eric Cister, OIC DCADD ng EPD. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.