Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga taga-Las Piñas hirap sa tubig

0 130

Puyat at maiinit na ang ulo ng mga residente ng Las Pinas sa Maynilad Water Services Inc. ng mga Consunji at ni Manny V. Pangilinan dahil sa kawalan o karumihan ng tubig sa kanilang lugar.

Simula Enero 5 pa hirap sa tubig ang Almanza Dos at nakatakdang umabot ito hanggang Pebrero 15.

Ilang beses nag-anunsyo ang Maynilad na mawawalan ng tubig ang mga taga-Almanza Dos.

Noong una ay sinabing mula Enero 5 hanggang 20 magtatagal ang water interruption, na kalauna’y inanunsyo na mula Enero 20 hanggang Pebrero 15 dahil sa turbidity o dumi ng tubig sa Laguna Lake.

SM food to go Banner Ad

Reklamo ng mga residente ng Almanza Dos, nagkapuyat-puyat na sila sa kahihintay ng tubig na hindi naman dumating.

May iba namang nagkaroon ng tubig ngunit nuknukan naman anila ng dumi.

Saad ni Maynilad spokesperson Jennifer Rufo, nagkakaproblema sila sa suplay ng tubig sa south kung saan sa Laguna Lake nanggagaling ang suplay. Nabubulabog kasi aniya ng amihan kaya mas marumi ang tubig na nakukuha nila rito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.