Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga taga-Makati libre sa COVID bakuna

0 84

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng Makati City ng isang bilyong piso para masigurado ang libreng pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa lahat ng mga residente nito.

“Libreng COVID-19 vaccine para sa LAHAT ng #ProudMakatizens,” tweet ni Mayor Abby Binay kahapon, “Naglaan kami ng P1 Billion para tiyakin na walang gagastusin ang bawat Makatizen na mabibigyan ng bakuna. Libre. Ligtas. Para sa lahat.”

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Binay na nakikipag-ugnayan na rin ang mga city official kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. para sa pagbili ng mga bakuna.

SM food to go Banner Ad

Hihilingin aniya niya sa city council na magpasa ng supplemental budget sakaling payagan na sila ng pandemic task force ng bansa.

Tutulungan din umano ng lokal na gobyerno ang mga kompanya sa lungsod sa pagpapabakuna ng mga manggagawa ng mga ito.

“We will exhaust all means to get the much-needed vaccines early and have all Makatizens vaccinated. The city will also assist companies and businesses that would like to buy vaccines for their employees and workers. We are aiming for 100 percent vaccination in Makati,” punto ng alkalde. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.