Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga taga-Mindanao kulelat sa distance learning

0 192

Mas maraming bata sa Mindanao ang nahihirapan sa pag-aaral ngayong distance learning sa pandemya kumpara sa mga estudyante sa Metro Manila, ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Binanggit ng senador ang isang survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Pebrero 22 hanggang Marso 3 kung saan lumabas aniya na ang hirap sa pagsagot sa mga module ay mas laganap sa mga kalahok sa Mindanao (74%) kumpara sa mga nasa Metro Manila (32%), ibang bahagi ng Luzon (43%) at Visayas (62%).

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kung susuriin natin ang datos, marami sa ating mga kababayan sa Mindanao ang napag-iiwanan sa pagpapatupad ng distance learning at hindi natin ito dapat hayaang magpatuloy. Sa ating pagpapatupad ng distance learning at sa pagbangon ng ating sektor ng edukasyon mula sa pinsala ng pandemya, kailangang siguruhin natin na abot ng bawat mag-aaral ang dekalidad na edukasyon saan man sila nagmula,” sabi pa ni Gatchalian na siyang chairperson ng Senate committee on basic education. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.