Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga taga-San Juan no choice sa bakuna

0 238

Inihayag ni Mayor Francis Zamora na wala silang pili-pili sa pagbabakuna dahil sumusunod sila sa utos ng DOH at IATF na huwag ianunsiyo ang brand ng COVID-19 vaccine na ituturok sa mga residente ng San Juan.

Ayon kay Zamora, sa araw ng pagbabakuna lamang malalaman ang brand na ituturok — Pfizer, AstraZeneca, o Sinovac — dahil ito ay isinusulat sa vaccination card ng nagpapabakuna.

Ang bawat bakuna aniyang ginagamit sa San Juan ay may FDA approval at may emergency use authorization (EUA) na ang ibig sabihin ay ligtas at epektibo itong brand.

Saad ng alkalde, kapag naka-schedule na sa pagbabakuna at inayawan ang brand na available sa araw na iyon ay babalik sa dulo ng pila ng registration list at nasa waiting list uli ang umayaw. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.