Abante Tonite Interactive

Mga tagapagmana ng 3 taipan, nakatipid ng P194B tax dahil sa TRAIN

1,021

Malaki ang natipid sa buwis ng mga tagapagmana ng mga pumanaw na taipan nang dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law kung saan binaba ang inheritance tax sa 6% mula sa dating 20%.

Ayon sa Sanlakas, malaki ang nawala sa pamahalaan nang binaba nito ang inheritance tax na maari sanang pampondo sa mga programa para maibsan ang epekto ng COVID-19 sa bansa, mula sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap hanggang sa pagtatayo ng mga facility na kakailanganin para magamot ang mga mahahawa nito.

“Taxing the inheritance left by rich old Filipinos during the last two years would have given the Filiino people a breath of life in this dangerous pandemic,” sabi ng Sanlakas sa isang pahayag.

Ang mga pumanaw na taipan simula nang bumaba ang inheritance tax dahil sa TRAIN ay sina George Ty, may ari ng Metrobank at may net worth na $2.5 billion, na pumanaw noong November 23, 2018; Henry Sy Sr., ang pinakamayamang tao sa bansa at founder ng SM na may net worth na $19 bilyon na namatay noong January 19, 2019 at John Gokongwei Jr., founder ng Universal Robina Corp at Robinsons na may net worth na $5.8 bilyon na sumakabilang-buhay noong November 9, 2019.

Sa net worth ni Ty na $2.5 bilyon, P25 bilyon o $500 milyon dapat ang binayaran ng kanyang mga tagapagmana kung ang buwis ay nasa 20% pa ngunit P7.65 bilyon na lang o $150 milyon na lang ito dahil binaba ito sa 6% dahil sa TRAIN.

Bago mag -TRAIN, aabot dapat sa P193.8 bilyon o $3.9 bilyon ang babayarang inheritance tax ng mga tagapagmana ni Ty pero dahil bumaba ang buwis, P58.14 bilyon o $1.14 bilyon na lamang ito.

Aabot naman P59.16 biyon o $1.16 billion ang babayaran ng mga Gokongwei sa ilalim ng lumang buwis ngunit bumaba na ito P17.748 bilyon o $348 million dahil sa TRAIN.

Ang inheritance tax na nawala nang namatay ang tatlong taipan ay nasa P194 bilyon.

“Imagine the hundreds of billions at our disposal this year had we raised instead of lowered the estate taxes. It would have been enough to set up surge capacity for our healthcare system, fund unemployment insurance and subsidize agricultural production. The deaths of billionaires would have been able to literally save millions of ordinary people from COVID-19 and hunger,” sabi ng Sanlakas sa isang pahayag.

Tonite – Wendys Inhouse Ad