Abante Tonite Interactive

Mga tagasuporta ni Trillanes hinarang ni Sotto

By
0 1,950

Ipinagbawal ni Se­nate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pagpasok ng maraming tagasuporta ng oposis­yon partikular ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV sa loob ng Senado.

Gayundin, hindi pinayagan ni Sotto ang pagsasagawa muli ng misa ng oposisyon sa loob ng Senado sa araw ng Linggo.

Sa direktiba ni Sotto, maaari mang pumasok sa Senado ang mga supporter, dapat ay limitado sila sa 20 at kung sosobra rito ay dapat munang lumabas ang iba.

“What is their business in the Senate when they know there is no work? Don’t test my patience and leniency on the matter because I will not allow the Senate to be used for any unruly plot,” saad ni Sotto.

“Mahiya naman sila sa akin, ‘wag naman nila abusuhin,” dagdag nito.

Umaasa si Sotto na tutulong ang lahat ng senador sa panganga­laga sa dignidad ng ins­titusyon.

“I was expecting them to help me preserve the integrity and the sanctity of the ins­titution and not abuse the hospitality of the Senate leadership,” dagdag nito.

Hindi rin aniya kinakailangan ang misa sa loob ng Senado at sa halip gawin ito sa malapit na simbahan.

Aminado si Sotto na nangangamba itong malusutan ng mga taong may ibang interes.

“All senators has the responsibility to protect the institution above all. Masyado nang mainit ang tensiyon sa Senate kaya sana ‘wag nang painitin pang lalo. Mahirap masingitan tayo ng ibang puwedeng magsamantala ng sitwasyon. Ang pinu-proteksiyunan ko rito ay ang Senate bilang institusyon,” diin pa ni Sotto.