Abante Tonite Interactive

Mga tagilid na LGU tutulungan ni Tolentino

248

SURIGAO CITY — Nais isulong ni administration senatorial bet Francis Tolentino ang lalo pang pagpapalakas ng mga local government unit (LGU) upang marami pang mga bayan at lalawigan na sadlak sa kahirapan ang makabangon.

Sa isang panayam sa Surigao City kamakailan, sinabi ni Tolentino na nais niyang hasain at lina­ngin ang mga na sa laylayan na LGU kung paano ang wastong paggamit ng kani-kanilang mga pondo upang mas makarating ang kanilang serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Paliwanag ni Tolentino, gusto niyang ibahagi ang kanyang karanasan bilang dating alkalde ng Lungsod ng Tagaytay sa loob ng higit sa isang dekada upang tulungan ang mga maliliit at nagkukumahog na mga bayan at probinsya na makabangon din mula sa kahirapan.

Abante Hiring – IT dep

“I want to mentor struggling LGUs. How to properly utilize their fund and creative utilization of their resources,” saad ni Tolentino. (JC Cahinhinan)