Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga talunan sinasabotahe proklamasyon – Comelec

0 43

Inakusahan ni Commission on Elections(Comelec) Commissioner George Garcia ang ilang natalong politiko na gumagamit ng taktika para maantala ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

“In such areas na hanggang ngayon hindi pa tapos ang canvass, bakit? Monitor niyo may hindi pa tapos ang canvass ng mga provincial, medyo may mga ilang politikong lokal na dine-delay ang canvass, lalo na yung—pasensya na—lalo na yung mga incumbent na na-unseat tapos gumagawa naman ng ibang paraan para lang hindi magkaroon ng proclamation,” ayon kay Garcia sa isang press briefing.

Ayon kay Garcia ,kasama umano sa estratehiya ang ganoong sistema partikular sa lokal na politics.

Nabatid na dahilan rin umano iyon para bumagal ang canvassing para sa senatorial at partylist race.

“Take note, ‘pag walang proclamation ang isang probinsya, at least sa provincial board, walang mapapadala sa Comelec, dito sa atin,” ani Garcia.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.