Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga tao naghahanap na ng mapapasyalan – Sec Berna

0 40

Mismong mga tao na ang naghahanap ng mga lugar na mapapasyalan matapos ang mahabang panahon ng mahigpit na quarantine restriction sa bansa dahil sa pandemyang hatid ng COVID-19, ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Inihayag ito ng kalihim sa gitna ng pangamba ng iba na baka sumirit ang kaso ng COVID-19 dahil sa desisyon ng gobyerno na luwagan pa ang mga quarantine restriction para unti-unting makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Siniguro ni Puyat na lahat ng inilalabas na guideline ay dumadaan sa mga health expert at hindi lang mga taga-DOT o mga economic manager ang gumagawa nito.

Kabilang sa mga pinayagan nang muling magbukas ay mga parke at historical landmarks na maaaring mapasyalan ng mga tao subalit kailangan sumunod sa mga health at safety protocol.

“Para rin sa mental health ng mga tao, and it’s proven naman na ang open space is very safe, but of course we have to limit the number of people going,” sabi pa ni Puyat sa panayam sa radyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.