Abante Tonite Interactive

Mga taong katulad ni Ninoy, kailangan ng bansa – Digong

By
691

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na maglaan ng panahon para gunitain ang ipinamalas na sakripisyo at pagiging makabayan ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa selebrasyon ng Ninoy Aquino Day na ginugunita sa buong bansa.

Ayon sa Pangulo, magsilbi sanang gabay ng mga lider sa gobyerno at gawing prayoridad ang naging adhikain ni Ninoy lalo na sa kapakanan ng mga naaapi at mga napag-iiwanang sektor ng lipunan.

“Let us take this opportunity to reflect on his sacrifice as we honor the courage and patriotism that Ninoy demonstrated during his struggle. May his dedication to his cause serve as a guide post for our current leaders in the government as they advance the welfare of our people, especially the oppressed and marginalized,” anang Pangulo.

Idinagdag pa ng Presidente na kaila­ngan ng bansa ang mga taong katulad ni Ninoy sa mga panahong ito ng pagbabago para maigiya ang bansa tungo sa mas maliwanag at mas matatag na kinabukasan.

Mangyayari lamang ito, ayon sa Pangulo, kung magtutulungan para maitatag ang mga makabuluhang reporma na tutuldok sa mga problema ng lipunan na nagiging balakid sa landas tungo sa matatag na ­demokrasya.

“In this time of real lasting change, we need more citizens like him so we can steer our country towards the direction where a brighter and better future awaits us all. This can be achieved if we work together to institute meaningful reforms that will put an end to the many social ills that have obstructed our path towards becoming a mature and stable democracy,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang dating Senador Aquino ay pinatay noong August 21, 1983 habang pababa ito sa tarmac ng Manila International Airport, ngayon ay Ninoy Aquino International Airport, matapos ang tatlong taong self-exile sa Estados Unidos. ­