Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga tatakbo sa 2022 `wag pasaway sa protocol

0 45

Muling nanawagan si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa mga tatakbo sa 2022 elections na patunayan ang kanilang katapatan sa bayan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga minimum public health safety protocol sa paghahain ng certificate of candidacy.

“Personal akong nakikiusap sa mga kandidato, kasama ang kanilang mga supporters, na patuloy ninyong irespeto ang mga patakaran ng Comelec at ng ating pamahalaan tungkol sa public safety sa inyong pag-file ng COC,” sinabi ni Eleazar.

SM food to go Banner Ad

Dapat aniyang tiyakin din ng mga kandidato ang seguridad ng kanilang mga tagasuporta sa pamamagitan ng pagsunod sa mga protocol dahil patuloy pa rin ang banta ng pandemyang dulot ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, sinabi ni Eleazar na naging tahimik at maayos ang unang araw ng paghahain ng COC at pinasalamatan nito ang masusing paghahanda ng mga kapulisan at ng kanilang mga commander. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.