Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga taxi driver umaray sa dating traffic czar

0 299

Pinalagan ng isang commuter group si dating QC Traffic management head Atty. Ariel Inton nang sabihin nito na taxi drivers ang dapat magbayad ng multa dahil sa paglabag sa batas trapiko at hindi ang mga mayayamang operators.

Ayon kay Pat Mangubat, tagapagsalita ng transport at commuter group na PASADA, labag sa mga ordinansa ng lungsod maging ng batas sa public transport ang panukala ni Inton dahil ang mga taxi drivers ay mga ahente lamang ng mga operator.

“Ngayong isinaayos ng mga LGU’s ang sistema ng pagmumulta sa mga lumalabag sa batas trapiko, ngayon umaaray si Atty Inton? Kaayusan ang dala ng NCAP at mabuti ito sa pangkalahatan, di lamang sa commuters. Naiiwasan ang `ayusan.’ Kung talagang para sa kaayusan si Atty. Inton, dapat sumunod siya sa mga ordinansa dahil pinag-aralang mabuti yang sistema,” ani Mangubat.

Gamit ang mga sopistikadong cameras, naiispatan ng NCAP ang mga lumalabag sa batas trapiko 24-oras.

SM food to go Banner Ad

Papadalhan ng notice of violation (NOV) ang may-ari ng sasakyang rehistrado sa Land Transportation Office o LTO. Sa NOV, malinaw na video grab ang lalabas patunay ng paglabag sa batas trapiko.

Dagdag pa ni Mangubat, naiipit umano kay Inton ang mga taxi drivers na apektado ngayon ng pandemya at pinoprotektahan umano nito ang mga taxi operators para makaligtas sa pagbabayad ng mga multa mula sa no contact apprehension program (NCAP) na ipinatutupad sa Maynila, Paranaque at Valenzuela.

“Malinaw sa batas, maging sa public transport law na ang operators ang me pananagutan sa mga gawaing isinasagawa ng taxi drivers sa sandaling gamitin nito ang taxi units ng operators. Ang operator ang nakarehistrong nagmamay-ari ng oto kaya dapat may pananagutan sila sa sandaling lumabag sa batas trapiko ang kani-kanilang mga drayber dahil agente nga nila ang mga ito,” ayon kay Mangubat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.