Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga team ng PBA eensayo sa Batangas

0 188

Pumayag na ang lalawigan at lungsod ng Batangas upang makapag-ensayo ang mga PBA team sa lugar matapos ang pakikipagpulong ni commissioner Willie Marcial sa mga ng probinsiya’t siyudad nitong Sabado.

Ayon sa opisyal, nakausap nila ni San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua sina Batangas City Mayor Beverly Dimacuha at Batangas Fifth District Rep. Marvey Marino na umayon sa kagustuhan ng pro league.

SM food to go Banner Ad

May basbas na rin ni Games and Amusements Board chairman Abraham Kahilil Mitra ang practice sessions ng mga koponan sa Batangas City Sports Center.

“Okay naman sila na mag-practice roon at baka pumunta ako dun sa Friday kasama ng team ko para mapag-usapan protocols, disinfection at pag-cordon off ng mga tao,” wakas na sambit ni Marcial. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.