Abante Tonite Interactive

Mga therapy dog ng PAWSsion

354

usapang petmalu atbp.
Joyce Burton-Titular

Hello Furrever Furriends!

HAYOP na naman ang kuwento ko para sa inyo!

Itong nakaraang linggo, sumama ako sa medical mission ng Operation Blessing, ang humanitarian arm ng CBN Asia.

Pumunta kami, kasama ang ilang doktor sa mga liblib na lugar ng Negros Occidental. Hindi man ako doktor pero kakaibang papel ang ginampanan ko bilang si ‘Teacher Joyce’ para magturo sa mga bata.

Isa ito sa pinaka-memorable na experience ko! Maliban sa pagtuturo, naibahagi ko sa mga bata ang aking passion for dogs sa tulong ng PAWSsion, isang animal rescue group sa Bacolod. Sa Vergara Elementary School sa Toboso kung saan kami nagsasagawa ng medical mission, dumating si Malou Pe­rez, founder ng PAWSsion. Kasama niya ang mga therapy dogs — sina Pali, Caramel at Chloe.

Ang hangad ng PAWSsion ay mag-train ng mga ‘asong kalye’ na maging therapy dogs para maging companion ng mga taong may sakit na epilepsy o diabetes atbp, at mga batang autistic.

Related Posts

Sa pamamagitan ng pakikipaghalubilo ng mga aso sa kanila ay naiibsan ang kanilang karamdaman. Kapag naman may emergency, trained sila para makahanap ng tulong. Ayon kay Malou, sina Caramel at Chloe ay muntik nang i-mercy killing sa dog pound.

Nang sagipin sila ni Malou, sila ay umiiyak sa loob ng maruruming kulungan.Si Pali naman ay tuta pa noon nang mai­salba ni Malou. Duguan at nag-aagaw-buhay ito dahil biktima siya ng hit-and-run. Dahil sa sugat na natamo, bali ang kanyang isang paa at kailangan itong putulin. Kaya siya naging ‘tripod’ o aso na tatlo lang ang paa.

Mapait man ang sinapit ng mga asong ito, sa tulong ng PAWSsion, sila’y naging masaya, malusog at masigla. ‘Yan talaga ang nangyayari kapag ang naabusong aso ay nakaranas ng tunay na pagmamahal na puno ng passion.

Kaya naman tuwang-tuwa ang mga bata nang makita nila ang tatlong aso.

Nakita ko na kahit bata pa lang sila, mabilis nilang naintindihan ang mensahe ng PAWSsion na dapat nating mahalin at ala­gaan nang mabuti ang ating mga aso, kahit may lahi sila o wala.

Ang misyon ng PAWSsion ay hindi lamang misyon ni Malou pero dalangin ko na maging misyon nating lahat!

Pawssionately yours,
Joyce