Abante Tonite Interactive

Mga ‘tinapon’ ng TNT, pinakinabangan ng iba

638

Usapan ngayon sa social media ang bawat manlalaro ng TNT KaTropa na sana’y makatutulong sa championship run ng Manny V. Pangi-linan (MVP) team.

Sa loob lamang ng lampas isang taon, nagpakawala ang TNT ng mga key player na ngayon ay napapakinabangan na ng ibang koponan.

Una sa listahan ay si Jericho Cruz, na ginarahe ng koponan noong Abril sa ‘di malamang kadahilanan.

Matapos ilagay sa injured/reserved list, humiling ng trade ang da-ting Adamson star at Hunyo ay nasakatuparan nang malipat sa NLEX para muling makasama ang dati niyang coach na si Yeng Guiao.

Sa kanyang unang conference sa NLEX, isa ang slasher sa mga si-nandigan ng koponan, nag-average ng 11.00 points, 7.00 assists at 3.00 rebounds sa dalawang laro.

Sunod ang 2015 top pick na si Moala Tautuaa, pinalit para makuha ang serbisyo ni Terrence Romeo mula sa NorthPort Batang Pier.

Pagpasok ng 2019 season ay naglaro na tila may gustong patunayan ang Fil-Tongan player, sa Philippine Cup ay umarangkada ang a­verage sa 18.36 points, 8.83 rebounds at 4.00 assists.

Isa naman sa mga nakinabang sa paglipat ay ang pinalit kay Tautuaa na si Romeo, na buhat nang malipat sa p­owerhouse team na San Miguel ay nakapagdagdag na nang dalawang kampeonato sa kanyang pangalan.

Sa katatatapos lang na Comm’s Cup ay ginawad pa sa Gilas ‘Golden Boy’ ang Finals MVP award matapos mag-average ng 14.8 points, 4.3 assists at 2.3 reboundssa serye. (Ray Mark Patriarca)