Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga titser unahing ayusin – Gatchalian

0 169

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na ayusin pa ang kalidad ng edukasyon at training ng mga guro kasunod ng ulat na kulelat ang Pilipinas sa 57 bansa pagdating sa math at science.

Base sa Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS) noong 2019, lumalabas na 50% lamang ng mga batang mag-aaral sa grade 4 ang nakatatanggap ng “high clarity” instructions.

Ayon kay Gatchalian, pinatutunayan lamang nito na kinakailangan pang pagbutihin ang kalidad ng teacher education at training sa bansa.

Aniya, bagama’t nagsasagawa naman ang Department of Education (DepEd) ng upskilling at reskilling sa mga guro, kailangang unahin munang tulungan ang mga ito na magkaroon ng de kalidad na edukasyon at pagsasanay mula sa mga teacher education institution para mapabuti rin ang kanilang pagtuturo.

“Our public school system has 90 percent of our students so if you have a poorly performing public school system, the entire nation is affected,” sabi pa ni Gatchalian.

Una nang naghain si Gatchalian ng Senate Bill No. 1887 o Teacher Education Council Act na layong magkaroon ng mas maayos na koordinasyon ang DepEd, Commission on Higher Education (CHED, at ang Professional Regulation Commission (PRC) para umangat ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay sa mga guro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.