Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga tourism worker gusto trabaho kesa ayuda – Sec Berna

0 234

Mas nais ng mga tourism worker na makabalik sa trabaho kesa tumanggap ng tulong pinansiyal, ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

“Alam mo ba sa turismo, mas gusto nila mag-restart ang tourism kaysa ayuda. Mas gusto nilang nagtatrabaho sila,” lahad ni Puyat sa isang panayam sa radyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Puyat, dapat sanang makakarekober na ang industriya ng turismo mula sa pandemya ng COVID-19 ngayong tag-init subalit naantala dahil na rin sa panibagong pagtaas ng mga kaso ng virus infection, partikular sa National Capital Region (NCR) at apat pang probinsya na sinailalim sa enhanced community quarantine.

“Kaya masakit talaga kasi ang tagal-tagal na. One year na ito, dito na babawi, Holy Week tapos summer, dito nagta-travel `yong mga tao. Ganoon talaga. Buntong hininga. Masakit talaga, masakit,” ayon pa kay Puyat. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.