Abante Tonite Interactive

Mga toy gun, replica ng baril pasok sa gun ban

290

Mahigpit na ipinagbabawal ng Pangasinan police ang pagbebenta o paggamit ng mga replica ng baril at toy gun ­bilang pagsunod sa election gun ban.

“For vendors, please cooperate and don’t sell toy guns to avoid being subject to our operations. But, of course, we do warn them at first and if they don’t listen then, that’s the time we will strictly enforce the law,” paalala ni Senior Insp. Ria Tacderan, Police information officer ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa kanilang nasasakupan.

Ang nasabing babala ay kaugnay na rin umano sa R.A 10591 kung saan sakop sa gun ban ang mga toy gun, air gun, at airsoft gun sa dapat kumpiskahin sa ipina­patupad na checkpoint ng pulisya.

Nauna nang nakakumpiska ng 10 gun replicas ang Dagupan City police sa isang abandonadong tindahan kung saan isa ring residente sa San Manuel town na armado ng bolo ang kanilang dinakip dahil sa pananakot at pagbabanta sa kanyang mga kapitbahay ­kamakailan.

“We are just glad that since the start of the election period, which is also the start of the election gun ban, there has been no violator arrested at checkpoints,” pagmamalaki naman ni Tacderan.

Kasabay naman nito’y hinikayat ng pulisya ang mga gun owners na may expired nang licenses na iturn-over na sa nasasakupang police stations para sa safekeeping.