Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga trabaho dapat paramihin – Salceda

0 221

Kailangan umano ng bansa ng “tide maker” industry, o ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda ay ang mga industriya na makalilikha ng mapapasukang trabaho ng mga nagtapos.

Aniya, mula nang maisabatas ang Universal Access to Quality Tertiary Education Law ay umakyat sa 6.42% ang growth rate ng mga nagtatapos sa kolehiyo. Sampung taon bago ang batas, ang annual growth rate ng nagtatapos ay 5.2%.

SM food to go Banner Ad

Ito ay malayo sa annual employment growth rate na 5.7% noong 2019 at 1.2% noong 2018.

“Without a solid skills base to lure in the industries of the future, we will merely keep producing jobless graduates,” ani Salceda.

Ang hamon umano ngayon ay gumawa ng trabaho para sa mga nagtapos at tiyakin na ang kurikulum sa mga kolehiyo ay angkop sa mga trabaho na kailangan sa bagong ekonomiya. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.