Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga traffic enforcer ng Mabalacat City walang werpa?

0 141

Sa Metro Manila, kahit saan ka magpunta at kapag lumabas ka sa batas trapiko, tiyak huli ka. Tiyak iisyuhan ka ng traffic violation ticket.

Taliwas ito dito sa amin sa Mabalacat City. Kahit araw-araw kang lumabag sa batas trapiko, hindi ka dapat kabahan dahil walang huhuli s’yo. Ito lang ang city sa Pilipinas kung saan walang kapangyarihan ang mga traffic enforcer na mag-isyu ng traffic violation ticket.

Kumbaga sisitahin ka lang sa violation pero hindi ka titikitan. Onli in the Philippines ika nga!

Dahil taga-rito ako, naoobserbahan ko ang madalas na paglabag sa batas trapiko dito. Andiyan ang mga motorcycle na walang plaka, ang mga rider na walang helmet, bukod pa sa sobrang iingay ng kanilang mga muffler.

Minsan nga may sinita pa akong mga menor de edad na nagpaharurot ng motor sa Mc Arthur Highway at sa Dau Expressway na walang suot na helmet. Nang sitahin ko kung walang lisensiya, wala daw.

Ang mga public utility jeepneys (PUJs) isa ring pasaway. Kung saan-saan lang nagbaba at nagsasakya kahit mayroon naman designated areas para mag-pick ng mga pasahero. Kahit bumuga ng makapal na usok ang mga dyip, tuloy pa rin ang biyahe. Hindi hinuli eh.

Madalas din akong nakakakita ng mga kabataang nagpapaharurot ng motorsiklo. Minsan tatlo pa silang sakay ng motor at nagkaka-counter flower pa ang mga bugoy. Astig di ba?

Bakit ang lalakas ng loob ng mga violator na ito? Iiisa lang sagot. Walang kapangyarihan ang mga traffic enforcer na mag-isyu ng traffic violation ticket. Sa madaling salita wala silang panikit.

Kaya naman pala tinatawanan lang ng mga violator itong Mabalacat traffic enforcers eh wala naman pa silang “sey” eh. Powerless in short. Kumbaga ang talagang trabaho lang nila ay ayusin ang daloy ng trapiko at hindi ang manghuli ng lumabag sa traffic laws.

Napakarami traffic enforcer na nakatalaga sa kahabaaan ng Mc Arthur Highway. Maganda naman dahil maayos ang daloy na trapiko. In fairness, masisipag sila. Umulan, umaaraw hindi umaalis sa kanilang puwesto. Mga dedicated sa trabaho.

Nakausap ko nga ng personal ang ilan sa kanila at inaming wala silang magawa dahil iyong ang desisyon na nasa itaas. Hindi naman sinabi kung sinong nasa itaas.

“Kaya nga po kung ganoon nila kami bastusin, alam nilang hindi naman sila iisyuhan ng ticket. Wala silang takot kasi nga po walang ticket,” sambit ng isang traffic enforce sa inyong lingkod.

Sana sumagot ang Mabalacat Traffic Enforce Group Office sa isyung ito. Hindi magandang halimbawa ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.